Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marvin Bactol, samantala, ang suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilala namang si Edito Sinajonon, 22, binata at residente ng naturang lugar.
Nabatid sa ulat ng pulisya, ang suspek ay pinababayaan ng kanyang mga magulang na magpagala-gala sa nabanggit na barangay at karatig pook kahit na alam na may kapansanan sa pag-iisip.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na naganap ang krimen dakong alas-4:30 ng hapon matapos mamataan ng suspek na ang biktima ay naglalarong mag-isa.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napagtripang paluin ng tipak na bato sa ulo ang biktima na ikinasawi nito at sa aktong dadakpin ng mga opisyal ng barangay ay nakatawa pa umano ang suspek na animoy walang nangyari. (Ulat ni Ed Casulla)