Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Senior Police Officer-2 (SPO2) Aquilino Manuel, 45, na nakatalaga sa Subic Police Station bilang warrant officer.
Sa isinumiteng inisyal na ulat kay P/Chief Insp. Jerry Sumbad, hepe ng Subic PNP, naganap ang krimen bandang alas-8:30 ng gabi matapos magsumite ng thesis sa kursong Social Science si Manuel sa Ramon Magsaysay Technological University (RMTU).
Ang nabanggit na eskuwelahan ay tie-up ng Subic Elementary School na kinaganapan ng krimen.
Ayon pa sa ulat, makaraang lumabas ng nabanggit na eskuwelahan ay patungo na sana ang biktima sa pinapasukang himpilan ng pulisya nang lapitan ng dalawang rebelde saka sunod-sunod na pinaputukan ng malapitan.
Bago pa tumakas sa hindi nabatid na direksyon ang mga killer ay kinuha pa nila ang baril ng biktima. (Jeff Tombado/Erickson Lovino)