^

Probinsiya

Jeepney vs kotse: 3 patay, 1 grabe

-
HERMOSA, Bataan – Tatlo katao ang iniulat na kumpirmadong nasawi, samantala, isa naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang sasakyan sa kahabaan ng Roman Superhighway sa Brgy. Culis, Hermosa ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang namatay na sina Wilfredo Mirasol ng Brgy. Bahay Puso, Balanga City; Florencio Reyes at Myrna Reyes, samantala, nasa kritikal na kondisyon sa Jose Payumo Memorial Hospital si Atanasio Reyes ng Brgy. Gugo, Samal, Bataan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5:35 ng hapon nang sumalpok ang pampasaherong jeepney (NVX-845) sa kasalubong na Nissan Sentra (TCR-852) sa kahabaan ng national highway na sakop ng Brgy. Culis ng nabanggit na lugar. (Ulat ni Jonie Capalaran)
Testigo sa murder case pinatahimik
CANDELARIA , Quezon – Upang hindi makapagbigay ng testimonya sa korte sa kasong murder ang isang testigong obrero ay pinatahimik na lamang ito sa pamamagitan ng pagbistay ng bala ng baril sa katawan habang nagmamaneho ng tricycle sa Sitio Tibanglan, Brgy. Malabanban Norte sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Ernesto Malelon, samantala, nasugatan naman ang sakay na hipag na si Corazon Malelon, 37, na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Nelson Lequin, hepe ng pulisya sa bayang ito na tinambangan ang biktima dakong alas-7:30 ng umaga habang nagmamaneho ng trike dahil sa nakilala niya ang killer ni SPO1 Manuel Allarey may dalawang buwan na ang nakalilipas. (Ulat ni Tony Sandoval)
Mister tinodas dahil sa malaking atraso
DASMARIÑAS, Cavite – Isang 43-anyos na lalaki ang niratrat hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang lalaki habang naglalakad papauwi sa kahabaan ng Cityhomes Subdivision sa Brgy. Sampalok 4 ng bayang ito.

Sabog ang ulo at nakahandusay sa kalsada ang biktimang si Gilberto Amor, may asawa at residente ng Block 144 Lot 29 ng naturang lugar.

Sa ulat ni PO3 Jo Patambang na isinumite kay P/Chief Insp. John Bulalacao, malalakas na putok ng baril ang narinig ng mga residente bandang alas-8:30 ng gabi at nakita na lamang nila na nakabulagta na ang duguang biktima na pinalalagay ng pulisya na malaking atraso ang motibo ng krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
P9-M naholdap sa bank employee
MALASIQUI, Pangasinan – Umaabot sa halagang P9 milyon ang naholdap sa isang bank employee ng apat na hindi kilalang armadong kalalakihan makaraang harangin sakay ng Tamaraw FX sa kahabaan ng Brgy. Bogtong ng bayang ito kamakalawa.

Ang biktima na isang employee ng Export Bank sa Dagupan City ay nakilalang si Lena Nuesca, samantala, ang driver ng kotse na hindi nakuha pang makapalag dahil sa tinutukan din ng baril ay nakilalang si Rolando dela Cruz.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinolekta ng mga biktima ang malaking halaga sa Rural Bank ng Central Pangasinan sa San Carlos City saka ilalagay sa pinapasukang bangko ngunit habang bumabagtas sa kahabaan ng naturang lugar ay hinarang ng mga holdaper. (Ulat ni Erickson Lovino)

vuukle comment

ATANASIO REYES

BAHAY PUSO

BALANGA CITY

BRGY

CENTRAL PANGASINAN

CHIEF INSP

CITYHOMES SUBDIVISION

CORAZON MALELON

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with