Isinampa nina Atty. Rizal Balbin at Nimfa Tuvera, mga abogado ng pamilyang Bailon ang naturang mga kaso dakong alas-4 ng hapon matapos na makalap ang mga ebidensya na makapagdidiin sa mga suspek na sina Jovy Guray at Roger Benavente.
Base sa autopsy report ng Eastern Police District-Scene of the Crime Operatives (EPD-SOCO), lumalabas na positibong ginahasa si Jasmin Bailon, 22, habang natagpuang birhen pa rin ang kanyang ateng si Agnes, 26, kaya murder at rape with homicide ang mga kasong isinampa nila sa korte.
May sapat na nakalap na ebidensya ang Rizal Criminal Investigation and Detection Group (RCIDG) na makapagdidiin sa mga suspek katulad ng mga buhok, fingerprints at duguang damit na nakuha sa kuwarto ng magkapatid bukod pa ang mga testimonya ng mga saksi. (Ulat ni Danilo Garcia)