Pulis QC itinumba sa Tarlac fiesta
February 19, 2002 | 12:00am
VICTORIA, Tarlac Isang pulis na nakatalaga sa Central Police District sa Quezon City ang iniulat na nasawi makaraang pagtulungan saksakin hanggang sa mapatay ng limang hindi kilalang kalalakihan sa kapistahan ng bayang ito noong nakaraang Sabado ng gabi.
Idineklarang patay sa Talon General Hospital ang biktimang si PO1 Jose Urbano, 33, may asawa, tubong Brgy. San Agustin ng bayang ito.
Samantala, ang mga suspek na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ay kasalukuyang tinutugis ng Tarlac PNP sa hindi nabatid na lugar.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, bandang alas-10 ng gabi nang magbunot ng baril ang biktima na pinaniniwalaang lango sa alak sa mataong lugar sa harap ng Victoria Rural Bank kaya nagkaroon ng tensyon at nagpanakbuhan ang mga residente sa ibat ibang direksyon upang magbukli.
Ngunit lingid sa kaalaman ng biktima na nakasuot sibilyan ay nakalimutang lagyan nito ng bala ang kanyang hawak na baril kaya kahit ilang kalabit sa gatilyo ay ayaw pumutok.
Sinamantala ng limang hindi kilalang kalalakihan na naunang kinompronta ni Urbano ang pagkakataon at pinagtulungang siyang paluin ng bote sa ulo saka pinagsasaksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Benjie Villa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest