Presinto nilusob ng NPA: 3 pulis patay
February 18, 2002 | 12:00am
PIO DURAN, Albay Tatlong kagawad ng pulisya ang kumpirmadong nasawi makaraang lusubin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang binabantayang presinto sa Pier site sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ang mga nasawing pulis na pawang mga miyembro ng Pio Duran PNP Municipal Station ay nakilalang sina SPO4 Macario Odeña, Jr., SPO4 Alfredo Lopez at SPO1 Sancho Sueco, samantala, malubhang nasugatan si PO2 Emmanuel Macandog.
Ang naturang kababayan PNP center na binabantayan ng mga biktima ay may isang kilometro lamang ang layo mula sa PNP headquarter.
Base sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pagsalakay ng mga rebelde bandang alas-10 ng gabi habang nakaupo sa labas ng kanilang presinto sina Odeña at Sueco, samantala, sina Lopez at Macandog naman ay nasa loob.
Lumalabas sa nakalap na impormasyon ng PSN, bago pa salakayin ng mga rebelde ang naturang presinto ay nagmamanman na ang ilang NPA sa ikinikilos ng mga biktima sa paligid nito.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, hindi na nakuhang makaganti ng mga biktima dahil sa sunud-sunod na putok ang umalingawgaw saka nagsitakas ang mga rebelde makaraan ang isinagawang paglusob. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended