City councilor, pamangkin todas sa ambush
February 18, 2002 | 12:00am
COTABATO CITY Isang konsehal ng lungsod na ito at pamangkin nitong anim na taong gulang na batang babae ang iniulat na nasawi, samantala, isa pa ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki habang sakay ng kotse papasok ng kanilang bakuran kahapon ng umaga sa naturang lugar.
Ang mga nasawing biktima ay nakilalang sina Alexis Costales, 37, city councilor sa ilalim ng Reporma Party at ang pamangkin na si Clarence Cang na kapwa binistay ng bala ng kalibre 45 baril.
Samantala, si Patrick Cang, 12, ay malubhang nasugatan sa naganap na pananambang dakong alas-11:30 ng umaga.
Sa isinumiteng ulat kay P/Sr. Supt. Sangacala Dampac, city police director, ang mga biktima ay sakay ng kulay pulang Mitsubishi Lancer mula sa Cotabato Cathedral ay papasok pa lamang ng kanilang bakuran nang lapitan ng killer mula sa naghihintay na motorsiklo saka sunud-sunod na pinaputukan ang tatlo.
Matapos isagawa ang krimen ay kaagad naman sumakay ang killer sa naghihintay na motorsiklo saka pinaharurot sa hindi nabatid na direksyon.
Sinabi ni Major Gen. Roy Kyamko, commander ng Armys 6th Infantry Division na nagpakalap na siya ng 30 ahente sa mga entry at exit points sa naturang lungsod upang mapadali ang pagdakip sa dalawang hired-killers.
Inatasan naman ni Cotabato City Mayor Muslimin Sema ang kanyang 37 barangay chairmen upang mangalap nang impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek at nag-alok pa ng malaking halaga sa sinumang makapagtuturo sa dalawang killers.
Si Sema na kasalukuyang secretary-general ng Moro National Liberation Front (MNLF) ay nagpahayag na malaking kawalan sa political community sa Cotabato City ang pagkamatay ni Costales.
Sinabi pa ni Sema na si Councilor Costales ay tagapagtaguyod na ma-protektahan ang kapaligiran, sumusuporta sa kaligtasan ng mga kababaihan at kabataan at masyadong relihiyosong tao.
Sa kasalukuyan ay tumatanggi ang pamilya ng biktima na magbigay ng anumang detalye sa mga mamamahayag sa naganap na pangyayari. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended