Mag-asawa timbog sa drug bust

CAMP NAKAR, Lucena City – Nalambat ng pulisya ang mag-asawang tulak ng droga sa isinagawang drug bust operation sa Sitio Dupax, Barangay Poblacion Bantilan, Infanta, Quezon kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mag-asawang tulak na sina Abner Limpot, 50 at asawang si Editha, alyas Betchie, 40, ng nabanggit na barangay.

Sa isinumiteng ulat kay Quezon PNP director P/Sr. Supt. Roberto Rosales, naisagawa ng pinagsanib na puwersa ng Infanta PNP at 414th PPMG ang drug bust operation bandang alas dos ng hapon at nakumpiska mula sa mag-asawa ang 3 plastic sachet na kinalalagyan ng shabu at halagang P3,000 mark money na ginamit sa operasyon. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments