Mag-ate na ni-rape/slay ililibing ngayon
February 17, 2002 | 12:00am
Nakatakdang ihatid ngayong araw sa kanilang huling hantungan ang labi ng magkapatid na Bailon sa kanilang sinilangang lalawigan sa Masbate City, Masbate matapos ang 17 araw ng kanilang brutal na kamatayan sa Antipolo City.
Ito ang kinumpirma ni Atty. Nimfa Tuvera, isa sa mga abogado ng pamilyang Bailon. Hindi naman magpapahinga ang kanilang pamilya sa paghanap ng katarungan para sa kanilang mahal sa buhay.
Ayon kay Tuvera, itutuloy na nila ang pagsasampa ng kasong rape with homicide at robbery sa darating na Lunes laban sa mga naarestong suspek na sina Jovy Guray at Roger Benavente, kapwa mga kilalang tirador at miyembro ng isang sindikato ng magnanakaw sa Antipolo City partikular na ang pagiging asset ng pulisya.
Ang dalawa ay kabilang sa tatlong lalaki na namataan ng mga saksi na lumabas sa bahay ng mag-ate sa Sitio Dalig I, Brgy. Dalig noong madaling araw ng Pebrero 1 bago matagpuang patay ang dalawa.
Kasama sa isusumite sa korte ang mga nakalap na testimonya ng mga saksi habang patuloy naman sa pagtipon ng mga scientific evidence ang Rizal Criminal Investigation and Detection Group (RCIDG). (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended