^

Probinsiya

P57M marijuana plantation sinalakay

-
KIBUNGAN, Benguet – Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng tropa ng militar, PNP Intelligence Task Group ng Cordillera, Phil. Air Force Intelligence and Security Units at ng AFP Anti-Crime Task Force, ang anim na ektaryang plantasyon ng "cannabis saliva" na minamantine ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Nacneng at Bekes sa bayang ito kahapon.

Sinabi ni Major Gen. Rodolfo Garcia, commanding general ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ng AFP sa Tarlac, ito ang kauna-unahang pagkakadiskubre ng marijuana plantation sa taong kasalukuyan kasunod noong nakaraang taong pagkakadiskubre sa plantasyon ng marijuana sa Benguet, Kalinga, Ifugao at tri-boundary ng Benguet-La Union at Ilocos Sur na nagkakahalaga naman ng P80 milyon.

Ang isinagawang pagsalakay na suportado ng helicopter gunship ng Phil. Air Force ay resulta ng ilang buwang paniniktik at nakalap na impormasyon mula sa mga residente ng nabanggit na barangay.

Ayon pa kay Garcia, ang plantasyon ng marijuana ay minamantine ng isang Ka Aiko ng NPA rebels na may 20 armadong miyembro.

Napag-alaman pa sa ulat ng militar na ang nagtatanim ng mga buto ng marijuana ay mga residente rin ng naturang lugar sa ilalim ng supervision ng mga rebelde.

"Makaraang magapas at maipagbili ang mga pinatuyong dahon ng marijuana, ito ay ipinagbibili sa halagang P250.00 hanggang P300.00 bawa’t kilo saka ibinibigay ang pera sa NPA upang ipang suporta sa kilusan," ani Garcia.

Sinunog naman ang mga nabunot na puno ng marijuana at ang ilan ay dinala sa Baguio City bilang ebidensya. Walang nadakip na mga rebelde sa isinagawang pagsalakay sa kanilang plantasyon, dagdag pa ni Garcia. (Ulat ni Artemio Dumlao)

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORCE INTELLIGENCE AND SECURITY UNITS

ANTI-CRIME TASK FORCE

ARTEMIO DUMLAO

BAGUIO CITY

BENGUET

BENGUET-LA UNION

GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with