Kinilala ang mga biktima na sina PO1 Pedro Gracia ng Calamba PNP, Laguna; SPO3 Leopoldo Capulong ng Regional Headquarters Support Group sa Camp Olivas, San Fernando City, Pampanga; PO3 Joseph Leona ng Bulusan PNP, Sorsogon at PO3 Rey Magsumbol Alasaas ng Baco PNP, Mindoro Oriental.
Base sa ulat ng pulisya, unang itinumba si Gracia bandang alas-10 ng umaga kahapon habang nakasakay sa kanyang owner type jeep sa harap ng pabrika ng Cosmos Bottling Co. sa Silangan, Calamba City.
Si Capulong naman ay napatay makaraang tambangan ng mga NPA dakong alas-7:30 ng umaga habang nagmamaneho din ng sariling owner type jeep at bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. San Antonio, Mexico, Pampanga.
Samantala, si Leona, 35, na residente ng Brgy. Villahermosa ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebelde sa loob ng Anislag Cockpit Arena sa Purok 6, Brgy. Anisiag, Daraga, Albay dakong alas-4:30 ng hapon.
Kasunod nito, binistay naman ng bala ng baril si Alasaas, 36, sa loob ng sariling bahay sa Sitio Bagong Pook, Brgy. Poblacion, Baco, Mindoro Oriental dakong alas-6 ng umaga.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang naging motibo ng pagpaslang sa apat na kagawad ng pulisya na pinaniniwalaang ipinakikita lamang na lumalakas ang puwersa ng mga rebeldeng New Peoples Army sa mga liblib na lalawigan. (Ulat nina Ed Amoroso,Joy Cantos at Ed Casulla)