^

Probinsiya

4 pulis itinumba ng NPA

-
Apat na kagawad ng pulisya ang iniulat na itinumba ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa magkakahiwalay na lalawigan kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina PO1 Pedro Gracia ng Calamba PNP, Laguna; SPO3 Leopoldo Capulong ng Regional Headquarters Support Group sa Camp Olivas, San Fernando City, Pampanga; PO3 Joseph Leona ng Bulusan PNP, Sorsogon at PO3 Rey Magsumbol Alasaas ng Baco PNP, Mindoro Oriental.

Base sa ulat ng pulisya, unang itinumba si Gracia bandang alas-10 ng umaga kahapon habang nakasakay sa kanyang owner type jeep sa harap ng pabrika ng Cosmos Bottling Co. sa Silangan, Calamba City.

Si Capulong naman ay napatay makaraang tambangan ng mga NPA dakong alas-7:30 ng umaga habang nagmamaneho din ng sariling owner type jeep at bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. San Antonio, Mexico, Pampanga.

Samantala, si Leona, 35, na residente ng Brgy. Villahermosa ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebelde sa loob ng Anislag Cockpit Arena sa Purok 6, Brgy. Anisiag, Daraga, Albay dakong alas-4:30 ng hapon.

Kasunod nito, binistay naman ng bala ng baril si Alasaas, 36, sa loob ng sariling bahay sa Sitio Bagong Pook, Brgy. Poblacion, Baco, Mindoro Oriental dakong alas-6 ng umaga.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang naging motibo ng pagpaslang sa apat na kagawad ng pulisya na pinaniniwalaang ipinakikita lamang na lumalakas ang puwersa ng mga rebeldeng New People’s Army sa mga liblib na lalawigan. (Ulat nina Ed Amoroso,Joy Cantos at Ed Casulla)

vuukle comment

ANISLAG COCKPIT ARENA

BACO

BRGY

CALAMBA CITY

CAMP OLIVAS

COSMOS BOTTLING CO

ED AMOROSO

ED CASULLA

JOSEPH LEONA

MINDORO ORIENTAL

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with