Idineklarang patay sa San Miguel District Hospital ang biktimang si Vicente Sumulat, may asawa, magsasaka, samantala, ang suspek na ngayon ay nakakulong ay nakilala namang si Benny Torregosa, 17, ng nabanggit ding barangay.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya, hindi pinalalabas ng kanilang bahay ang suspek ng mga magulang dahil sa malimit ma-praning kaya nang makalabas ng sariling bakuran dakong ala-1 ng hapon ay namataan at napagtripan ang biktima na katayin. (Ulat ni Ed Casulla)