Sinabi ni Supt. Jose Dayco, hepe ng Antipolo police, na hindi pa umano nila maisampa ang mga kaukulang kaso laban kina Jovy Guray at Roger Benavento dahil sa kakulangan ng material na ebidensya para tanggapin ng Prosecutors office ang kaso.
Ngunit nabatid mula kay P/Supt. Maria Cristina Freyra, hepe ng Eastern Police District-Scene of the Crime Operatives, na may isang linggo na umanong lumabas ang resulta ng mga fingerprints na nakuha nila sa kuwarto ng magkapatid maging ang sa 11 lalaking inimbitahan ng pulisya.
Nagtataka sila kung bakit hindi pa rin nakikipagkoordinasyon ang Antipolo police sa kanila upang madetermina nila kung alin sa mga ito ang nag-match at hindi pa rin isinasailalim sa fingerprint exam sina Guray at Benavento upang isama sa pagkukumpara sa mga ebidensya.
Sinabi naman ni Atty. Rizal Balbin, abogado ng mga Bailon, na umaasa sila na maisasampa na bago ang linggong ito ang mga kasong double murder with rape at robbery laban sa dalawang naarestong suspek.