^

Probinsiya

Antipolo sisters rape/slay mabagal

-
ANTIPOLO CITY – Sa kabila ng pagkakaaresto sa dalawang pangunahing suspek sa brutal na rape-slay sa magkapatid na dalagang Bailon, patuloy na hindi pa rin masampahan ng kaso ang mga ito dahil sa hindi pag-aasikaso ng pulisya sa resulta ng fingerprints na nakuha sa kuwarto ng mga ito at ng 11 inimbitahan nila.

Sinabi ni Supt. Jose Dayco, hepe ng Antipolo police, na hindi pa umano nila maisampa ang mga kaukulang kaso laban kina Jovy Guray at Roger Benavento dahil sa kakulangan ng material na ebidensya para tanggapin ng Prosecutor’s office ang kaso.

Ngunit nabatid mula kay P/Supt. Maria Cristina Freyra, hepe ng Eastern Police District-Scene of the Crime Operatives, na may isang linggo na umanong lumabas ang resulta ng mga fingerprints na nakuha nila sa kuwarto ng magkapatid maging ang sa 11 lalaking inimbitahan ng pulisya.

Nagtataka sila kung bakit hindi pa rin nakikipagkoordinasyon ang Antipolo police sa kanila upang madetermina nila kung alin sa mga ito ang nag-match at hindi pa rin isinasailalim sa fingerprint exam sina Guray at Benavento upang isama sa pagkukumpara sa mga ebidensya.

Sinabi naman ni Atty. Rizal Balbin, abogado ng mga Bailon, na umaasa sila na maisasampa na bago ang linggong ito ang mga kasong double murder with rape at robbery laban sa dalawang naarestong suspek.

BAILON

BENAVENTO

EASTERN POLICE DISTRICT-SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

JOSE DAYCO

JOVY GURAY

MARIA CRISTINA FREYRA

RIZAL BALBIN

ROGER BENAVENTO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with