Ayon kay Perez, ang maganda pa nito sa natuklasang mina ng langis, may dadaloy na enerhiya kahit lang sa lalim na 5,000 talampakan ang hinukay na balon.
Sinabi ni Perez sa mga reporter na ang pinaghuhukayan ng balon ay malapit lang sa Subic Bay Freeport at Clark Economic Zone sa Pampanga. Ang balong kinatuklasan ng depositong gas ay sa paanan lang ng Mount Arayat at 20 kilometro ang layo mula sa pangunahing pambansang lansangan.
Ang natural gas ay maaaring magamit sa planta ng kuryente, planta ng abono at maging sa mga behikulo na hindi nakapagdudulot ng pollution. (Ulat ni Lilia Tolentino)