^

Probinsiya

Mina ng langis nadiskubre sa Tarlac

-
May depositong komersiyal ang tuklas na natural gas sa Victoria, Tarlac at makapagpapalakas sa pagpapaunlad ng industriya sa Gitnang Luzon kung ganap na maisusulong ang produksiyon nito, ayon kay Energy Secretary Vicente Perez.

Ayon kay Perez, ang maganda pa nito sa natuklasang mina ng langis, may dadaloy na enerhiya kahit lang sa lalim na 5,000 talampakan ang hinukay na balon.

Sinabi ni Perez sa mga reporter na ang pinaghuhukayan ng balon ay malapit lang sa Subic Bay Freeport at Clark Economic Zone sa Pampanga. Ang balong kinatuklasan ng depositong gas ay sa paanan lang ng Mount Arayat at 20 kilometro ang layo mula sa pangunahing pambansang lansangan.

Ang natural gas ay maaaring magamit sa planta ng kuryente, planta ng abono at maging sa mga behikulo na hindi nakapagdudulot ng pollution. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

CLARK ECONOMIC ZONE

ENERGY SECRETARY VICENTE PEREZ

GITNANG LUZON

LILIA TOLENTINO

MOUNT ARAYAT

PAMPANGA

PEREZ

SINABI

SUBIC BAY FREEPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with