^

Probinsiya

1 pang suspek sa Antipolo sisters rape/slay nadakip

-
ANTIPOLO CITY – Isa pang suspek sa brutal na rape-slay sa magkapatid na dalagang Bailon ang nadakip ng pulisya sa isang isla sa Bikol sa isang follow-up operation, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Jose Dayco, hepe ng Antipolo police, ang nadakip na suspek na si Roger Benavento, 21, ng Sitio Dalig 1, Brgy. Dalig ng lungsod na ito.

Nadakip ito ng mga elemento ng Intelligence Division ng pulisya dakong alas-7 ng umaga sa pinagtataguang bahay sa Rapu-Rapu Island, Tabako, Albay.

Nabatid na inaresto si Benavento sa bisa ng isang warrant of arrest na ipinalabas ng Antipolo Regional Trial Court sa kasong murder at robbery na kinakaharap nito.

Una nang sumuko ang pangunahing suspek sa pagkamatay ng magkapatid na Jasmin at Agnes Bailon na si Jovy Guray kamakalawa ng umaga kay Albay Rep. Jose Salcedo matapos na magtago sa isang kamag-anak sa bayan ng Polangui.

Kabilang si Guray at Benavento sa tatlong lalaki na itinuturo ng isang saksi na nakitang lumabas ng bahay ng magkapatid na Bailon noong Peb. 1 bago natagpuan ang mga bangkay nito. Pinaghahanap pa ngayon ang isa pa nilang kasamahan na itinago ang pangalan. (Ulat ni Danilo Garcia)

AGNES BAILON

ALBAY REP

ANTIPOLO REGIONAL TRIAL COURT

BAILON

BENAVENTO

DANILO GARCIA

INTELLIGENCE DIVISION

JOSE DAYCO

JOSE SALCEDO

JOVY GURAY

RAPU-RAPU ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with