Sa isang phone interview, sinabi ni Col. Romeo Tolentino, commander ng Armys 104th Brigade na nakabase sa Busbus, Jolo, Sulu pinaniniwalaang tinangay na ng grupo ni Sahiron ang mga nasawi at nasugatan nitong tauhan matapos na abutin ng gabi ang mainitang bakbakan.
"Based on the assessment of our troops in the area, at least 10 Sayyaf were killed while undetermined were wounded," pahayag ni Tolentino sa isang phone interview.
Ayon kay Tolentino, pulos bakas na lamang ng dugo ang inabutan ng kanyang mga tauhan sa encounter site nang magsagawa ng clearing operations kahapon ng umaga.
Sinabi pa ni Tolentino na nag-umpisa ang sagupaan dakong ala-1:35 ng hapon na tumagal hanggang 6:30 ng gabi matapos magkrus ang landas ng mga elemento ng Armys 61st Infantry Battalion (IB) sa Brgy. Kabuntakas, Patikul, Sulu.
Napag-alaman na kasalukuyang nagsasagawa ng combat operations ang tropa ng militar sa pamumuno ni Lt. Col. Estomo nang makasagupa ang grupo ni Commander Sahiron.
Ang engkuwentro ay kaugnay na rin ng pursuit operations bunsod nang naganap na pananambang ng Abu Sayyaf sa Armys 59th Infantry Battalion (IB) noong nakalipas na Biyernes na ikinasawi ng limang sundalo at isa pa ang nasugatan. (Ulat ni Joy Cantos)