Estudyante nakabitaw sa jeepney, patay

Isang 14-anyos na estudyanteng lalaki ang iniulat na nasawi makaraang makabitiw sa pagkakasabit mula sa sinasakyang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Brgy. Cogon, Bacaca, Davao del Sur kamakalawa.

Idineklarang patay sa Gregorio Matas Hospital ang biktimang si Niwen Bojes ng Brgy. Bugis, Sulop ng naturang lugar.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pangyayari bandang alas-4:20 ng hapon habang ang biktima ay sumakay na nakasabit sa jeepney (EWD-771) na minamaneho ni Ramil Gascar at pinalalagay ng pulisya na nakatulog si Bojes sa pagkakasabit kaya nakabitiw na naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments