^

Probinsiya

Trader nasagip, 3 kidnappers tiklo

-
Nasagip ng mga awtoridad ang isang mayamang negosyante kasabay ng pagkakadakip sa tatlong pinaghihinalaang miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) gang sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Pampanga at Tarlac.

Sa ginanap na press briefing kahapon sa Camp Crame, kinilala ni National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) Chief P/Deputy Director Gen. Hermogenes Ebdane ang nailigtas na si Angelita Yang Cezar, nagmamay-ari ng MC farm sa Pulong Kaputol sa Angeles City, Pampanga.

Ang nadakip na mga suspek ay positibong kinilala ng biktima na sina Julian Panes, 49, ng Malabon at driver ng truck; Rustico Pamintuan, 28, magsasaka at live-in partner nitong si Luz Patinga-Gonzales, 52, club owner, pawang ng Capas, Tarlac.

Napag-alaman na ang biktima ay dinukot nitong nakaraang Huwebes pero pinalaya ng mga suspek kinaumagahan matapos magbayad ang pamilya nito ng P800,000 ransom.

Sinasabing tinangay ang biktima ng mga naka-bonnet na kalalakihan mula sa pag-aari nitong "farm" sa Pampanga at ninakawan pa ng halagang P60,000.

Ginawang get-away vehicle ang sasakyan nitong Canter closed van na inabandona pagkatapos sa kahabaan ng McArthur Highway sa Capas, Tarlac noong Sabado.

Patuloy ang isinasagawang pagtugis ng tropa ng NAKTAF sa dalawa pang nalalabing miyembro ng grupo, kung saan pinaniniwalaang isa sa mga ito ay ang lider ng sindikato. (Ulat ni Joy Cantos)

ANGELES CITY

ANGELITA YANG CEZAR

CAMP CRAME

CHIEF P

DEPUTY DIRECTOR GEN

HERMOGENES EBDANE

JOY CANTOS

JULIAN PANES

PAMPANGA

TARLAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with