Saksi sa mag-ate na ni rape/slay pinsan ng killer
February 7, 2002 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Pinabulaanan kahapon ng pulisya na bumaligtad na ang 14-anyos na dalagita na pangunahing saksi sa brutal na rape-slay sa magkapatid na Bailon kahit na nadiskubreng pinsang-buo nito ng nakatakas na pangunahing suspek sa krimen.
Ayon kay Supt. Jose Dayco, hepe ng Antipolo police, tanging ang ina umano ng batang saksi ang nagkakalat ng maling impormasyon upang mailigtas umano ang pamangkin nito na si Jovy Guray.
Si Guray ang itinuturo ng saksi na siyang nakita nitong lumabas sa ahay ng magkapatid na sina Jasmin, 22 at Agnes Bailon, 26, sa Sitio Dalig 1, Brgy. Dalig, noong madaling-araw ng Pebrero 1. Hindi pa umano binabawi ng naturang bata ang sinumpaang salaysay nito.
Dinala na rin ng pamilyang Bailon ang bangkay ng mag-ateng biktima sa kanilang tirahan sa Masbate, Masbate upang doon iburol.
Nabatid na tumira lamang ang magkapatid sa lungsod na ito noon lamang Hulyo 2001 matapos na mabili ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay.
Dating nagbo-board ang dalawa sa Cubao habang nag-aaral si Agnes sa Centro Escolar University habang pumapasok naman si Jasmin sa Far Eastern University (FEU).
Kapapasok pa lamang umano ni Jasmin sa Cebu-Pacific ticketing office at hindi pa natatanggap ang kanyang unang suweldo nang maganap ang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest