Koreano tiklo sa illegal recruitment
February 6, 2002 | 12:00am
IMUS, Cavite Isang Koreano na pinaniniwalaang illegal recruiter ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang magsagawa ng entrapment sa inuupahang apartment sa Barangay Panamitan, Kawit, Cavite kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang suspek na si Kim Hee Jun, 34, may asawa at residente ng 294 Brgy. Panamitan ng nabanggit na lugar.
Isinagawa ang entrapment bandang alas-4:30 ng hapon makaraang magreklamo ang may 100 katao na ni-recruit ng suspek at nagbigay ng halagang P50,000 bawat isa.
Ayon sa salaysay ni Ariel Dela Cruz, isa sa 100 nabiktima na pinangakuan sila ng trabaho ng suspek sa Korea kapalit ng naturang halaga.
Kasalukuyang nangangalap na ng matibay na ebidensya ang mga awtoridad sa isasampang 100 counts ng kasong estafa. (Ulat ni Cristina Go-Timbang )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
10 hours ago
Recommended