Mister tinodas ng bayaw dahil sa cassette tape
February 5, 2002 | 12:00am
SILANG, Cavite Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 42-anyos na mister ng kanyang bayaw makaraang magtalo sa hiniram na cassette tape na pag-aari ng biktima sa Sitio Hanopo, Brgy. Kaong ng bayang ito kahapon ng umaga.
Ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng shotgun ay nakilalang si Loreto Verania, isang jeepney driver, samantala, ang suspek na kaagad namang nasakote ay kinilalang si Roberto Reyes, 27, may asawa at kapwa residente ng naturang lugar.
Sa pagsisiyasat ni PO3 Bartolome Reyes, naganap ang krimen dakong alas-10 ng umaga makaraang magtalo ang dalawa sa kinuhang walang paalam na cassette tape mula sa biktima hanggang sa mairita ang suspek saka isinagawa ang krimen. (Cristina Go-Timbang)
Isang turistang British national at lover na Pinoy ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya makaraang maaktuhang nagbebenta ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang drug bust sa Brgy. Balabag, Boracay Island, Malay, Aklan kamakalawa ng gabi.
Nakumpiskahan din ng 30 gramo ng hashish bar ang magkasintahang sina Jennifer Ann Freeman, 25, isang Briton mula sa Bolney Drive, East Wood, Leigh on the Sea Essex, England at ang Pinoy na si Jose Gelito, alyas Joey, 36 ng Malay, Aklan.
Bandang alas-9 ng gabi nang maaktuhang nagbebenta ang magkasintahan ng dalawang gramo ng marijuana hashish bar na nagkakahalaga ng P500.00 sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa loob ng kanilang bamboo bungalow. (Joy Cantos)
KAMPO SIMEON OLA Sumuko na kamakalawa ng gabi sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang barangay chairman na pinaniniwalaang lider ng kilabot na "Bonnet Gang", samantala, nasakote naman ang kasama nito sa isinagawang operasyon sa Brgy. Salvacion Tinambac, Camarines Sur.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Nestor Perez, brgy. chairman ng Binanauanan Grande, Calabanga, Camarines Sur at ang nadakip na si Sonny "Boy" Ilo, 21, binata ng nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, si Perez na may mga kasong murder, robbery at kidnapping ay sumuko bandang alas-7:25 ng gabi, samantala, si Ilo naman ay nadakip ng pulisya dakong alas-4:30 kahapon ng madaling-araw habang natutulog sa kanyang hideout. (Ed Casulla)
Nakaligtas sa tiyak na kalawit ni kamatayan ang isang district supervisor ng Department of Education Culture and Sports (DECS) makaraang tambangan ng isang armadong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sitio Lambayung, Busbus, Jolo, Sulu, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang sugatang biktimang si Abdulsabur Askali, 50 na ngayon ay ginagamot sa Sulu Provincial Hospital.
Base sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang pananambang dakong alas10:40 ng umaga habang ang biktima ay naglalakad mag-isa sa kahabaan ng naturang barangay kaya nagkaroon ng matinding tensyon at nagpanakbuhan ang mga nakasaksi sa pangyayari. (Joy Cantos)
Ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng shotgun ay nakilalang si Loreto Verania, isang jeepney driver, samantala, ang suspek na kaagad namang nasakote ay kinilalang si Roberto Reyes, 27, may asawa at kapwa residente ng naturang lugar.
Sa pagsisiyasat ni PO3 Bartolome Reyes, naganap ang krimen dakong alas-10 ng umaga makaraang magtalo ang dalawa sa kinuhang walang paalam na cassette tape mula sa biktima hanggang sa mairita ang suspek saka isinagawa ang krimen. (Cristina Go-Timbang)
Nakumpiskahan din ng 30 gramo ng hashish bar ang magkasintahang sina Jennifer Ann Freeman, 25, isang Briton mula sa Bolney Drive, East Wood, Leigh on the Sea Essex, England at ang Pinoy na si Jose Gelito, alyas Joey, 36 ng Malay, Aklan.
Bandang alas-9 ng gabi nang maaktuhang nagbebenta ang magkasintahan ng dalawang gramo ng marijuana hashish bar na nagkakahalaga ng P500.00 sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa loob ng kanilang bamboo bungalow. (Joy Cantos)
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Nestor Perez, brgy. chairman ng Binanauanan Grande, Calabanga, Camarines Sur at ang nadakip na si Sonny "Boy" Ilo, 21, binata ng nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, si Perez na may mga kasong murder, robbery at kidnapping ay sumuko bandang alas-7:25 ng gabi, samantala, si Ilo naman ay nadakip ng pulisya dakong alas-4:30 kahapon ng madaling-araw habang natutulog sa kanyang hideout. (Ed Casulla)
Kinilala ng pulisya ang sugatang biktimang si Abdulsabur Askali, 50 na ngayon ay ginagamot sa Sulu Provincial Hospital.
Base sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang pananambang dakong alas10:40 ng umaga habang ang biktima ay naglalakad mag-isa sa kahabaan ng naturang barangay kaya nagkaroon ng matinding tensyon at nagpanakbuhan ang mga nakasaksi sa pangyayari. (Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest