Pamilya ng 2 ni-rape-slay nagpasaklolo sa CAV
February 5, 2002 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Dahil sa pagkadismaya sa mabagal na aksyon ng pulisya, humingi ng tulong sa Crusade Against Violence (CAV) ang mga pamilya ng dalawang nirape-slay sa loob ng kanilang bahay sa lungsod na ito.
Ayon kay Arman Agana, 26, pinsan ng mag-ate, umaasa siya na matutulungan sila ng CAV sa paglutas at pagpapakilos sa pulisya upang tuluyang madakip ang mga salarin na pumatay kina Jasmin, 22 at Agnes Bailon noong nakaraang Pebrero 1 sa loob ng kanilang tirahan sa Sitio Dalig 1, Brgy. Dalig.
Sinabi ni Agana na wala na umano silang tiwala ngayon dahil sa kupad ng aksyon ng pulisya dahil itinatago umano sa kanila ang development ng pagtugis sa mga posibleng kriminal kung saan ang pangunahing suspek ay nakilalang si Jovy Guray, isang miyembro ng Agaw-cellphone Gang at kilalang adik sa lugar.
Nabatid din nila mula sa mga kapitbahay nito na isa umanong police asset si Guray kaya malakas ang loob na gawin ang krimen dahil sa proteksyong natatanggap nito.
Nagpalabas naman ng P.1 milyon cash reward si Mayor Angelito Gatlabayan kasabay na dinagdagan pa ng P50,000 ng mga negosyante ng lungsod para sa sinumang saksi na makapagtuturo sa mga tunay na suspek.
Umabot na sa 11 katao kabilang na ang limang trabahador na kinontrata ng magkapatid na Bailon na siyang gumawa ng bahay ang kasalukuyang sinisiyasat.
Kasunod nito, Mariing nanawagan naman kahapon si Senate Majority Leader Loren Legarda sa pulisya na madaliing maresolba ang kaso ng mag-ate. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended