Dahil dito, isasailalim sa masusing imbestigasyon ni Vice Admiral Reuben Lista ang naganap na insidente dahil nabatid na may nilabag ang may-ari ng naturang ferryboat at ito ay ang pagsakay nang labis sa dapat lamang na 27 sa masterlist ng mga pasahero.
Sa inisyal na ulat ng PCG, nailigtas ng mga operatiba ng PCG ang 13 pasahero mula sa Paja Island Pearl Bank, isang isla na ginagamit na pahingahan ng mga mangingisda.
Samantala, patuloy ang ginagawa pang search and rescue operation sa mga natitira pang pasahero na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita kabilang ang dalawang opisyal ng PCG na lulan ng lumubog na M/V Sugar Dianne-Z nitong nakaraang Enero 27 makaraang magkaroon ng engine trouble at sumalpok sa isang maliit na isla sanhi ng masamang panahon.
Ang naturang ferryboat ay mula sa Cagayan de Oro at Tawi-Tawi patungong Zamobiang City na may lulang 700 sako ng kopra. (Ulat ni Ellen Fernando)