^

Probinsiya

13 naisalab sa lumubog na ferry boat

-
Ipinahayag kahapon ng pamunuan ng Philippine Cost Guard (PCG) na labing tatlo sa kabuuang 70 katao na ang kanilang nailigtas sa naganap na paglubog ng isang ferryboat sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi at Zamboanga City.

Dahil dito, isasailalim sa masusing imbestigasyon ni Vice Admiral Reuben Lista ang naganap na insidente dahil nabatid na may nilabag ang may-ari ng naturang ferryboat at ito ay ang pagsakay nang labis sa dapat lamang na 27 sa masterlist ng mga pasahero.

Sa inisyal na ulat ng PCG, nailigtas ng mga operatiba ng PCG ang 13 pasahero mula sa Paja Island Pearl Bank, isang isla na ginagamit na pahingahan ng mga mangingisda.

Samantala, patuloy ang ginagawa pang search and rescue operation sa mga natitira pang pasahero na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita kabilang ang dalawang opisyal ng PCG na lulan ng lumubog na M/V Sugar Dianne-Z nitong nakaraang Enero 27 makaraang magkaroon ng ‘‘engine trouble’’ at sumalpok sa isang maliit na isla sanhi ng masamang panahon.

Ang naturang ferryboat ay mula sa Cagayan de Oro at Tawi-Tawi patungong Zamobiang City na may lulang 700 sako ng kopra. (Ulat ni Ellen Fernando)

DAHIL

ELLEN FERNANDO

ENERO

PAJA ISLAND PEARL BANK

PHILIPPINE COST GUARD

TAWI-TAWI

V SUGAR DIANNE-Z

VICE ADMIRAL REUBEN LISTA

ZAMBOANGA CITY

ZAMOBIANG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with