Sa limang inimbitahan, tanging nakilala lamang si Carlito Buluran, kapitbahay ng mga biktimang sina Jasmin, 22 at Agnes Bailon, 26 ng Sitio Dalig 1, Brgy. Dalig, Antipolo.
Nabatid din na bayaw ni Buluran ang nakalalayang suspek na si Jovy Guray, isang miyembro ng cellphone gang sa lungsod na ito na tumangay ng cellphone ng biktimang si Jasmin sanhi upang ireklamo siya sa pulisya.
Tinangka umanong makipag-areglo nito ngunit tinanggihan hanggang sa magbanta ito na papatayin ang dalawa. Natagpuan ang bangkay ng magkapatid noong Pebrero 1 na tadtad ng saksak at walang mga saplot na damit sa loob ng kanilang kuwarto saka nakagapos ang mga kamay.
Agad namang lumuwas ang mga magulang ng mga biktima buhat pa sa Masbate at nagpahayag ng pagkabahala sa mabagal na imbestigasyon ng kaso.
Ayon kay Diosporo Bailon, 66, ama ng mag-ate na nakausap umano niya si Jasmin, empleyada ng Cebu-Pacific ticketing office na gusto na nitong umalis sa kanilang tinitirhang bahay dahil sa may mga gustong manligaw sa kanya na kahina-hinala ang karakter.
Inatasan ni Senate Majority Floor Leader Loren Legarda ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na magsanib ng puwersa upang mapabilis ang paglutas ng kaso ng pagkakapaslang sa mag-ate sa kanilang tahanan sa Antipolo City. (Ulat nina Danilo Garcia at udy Andal)