Mag-amang trader nakaligtas sa mga kidnappers
February 3, 2002 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Nabigong tangayin ng mga kidnapper na miyembro ng "Ilonggo Group" ang mag-amang stockholder ng TV network ng GMA-7 matapos na agad na makatalon ang mga biktima sa sinasakyang van at makahingi ng tulong, noong nakaraang Huwebes sa lungsod na ito.
Nakilala ang muntik nang makidnap na mag-amang sina Benjamin Gozon at anak niyang si Ysmael, kasama ang kanilang driver na si Agapito Quilontang.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na sakay ng Toyota Land Cruiser (UCX-329) ang mag-amang Gozon patungo sa kanilang quarry site at farm sa may Sitio Buso-Buso, Brgy. Inarawan, nang bigla silang harangin ng isang kulay berdeng Starex van na may government plate na SFP-900 sa may Marcos Highway, ng naturang barangay.
Anim na armadong kalalakihan, nakasuot ng uniporme ng pulis habang ang isa namay nakasuot pa ng vest at may dalang camera na umaktong media ang bumaba sa naturang van at hinanap ang matandang Gozon dahil sa may ise-serve umanong warrant of arrest.
Hindi naman naniwala ang biktimang si Benjamin Gozon kaya nagawa nitong buksan ang pinto sa kanyang gilid at makatakbo sa di-kalayuang guardpost ng nasa tapat nilang Rapid City Quarry at humingi ng saklolo.
Rumesponde naman ang mga guwardiya ng naturang quarry company at tinutukan ng shotgun ang mga suspek na nabulabog saka mabilis na tumakas.
Nabatid din na nagpalit pa ng puting plaka ang mga suspek upang hindi masundan ng mga awtoridad.
May teorya ang pulisya na ang naturang grupo rin ang responsable sa pagdukot sa isang negosyanteng Chinese national noong nakaraang taon sa karatig bayan ng Teresa, Rizal. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest