Barangay chairman, itinumba
February 1, 2002 | 12:00am
STA. ROSA, Nueva Ecija Isang barangay chairman ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dating brgy. chairman na pinaniniwalaang magkalabang political party na ikinasugat naman ng malubha ng dalawa sa Brgy. Berang ng bayang ito noong Lunes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Renato Batungbakal ng Brgy. Berang, samantala, ang mga sugatan na ngayon ay nasa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City ay nakilalang sina Joseph Resoro at Marcelo Villalon na kapwa residente ng naturang lugar.
Si Villalon na dating brgy. chairman ang itinuturong bumaril at nakapatay sa biktima.
Nabatid sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-8:30 ng gabi habang ang biktima at ilang kasama ay nagbabantay sa isinasagawang pagsesemento ng kalsada sa kanilang barangay.
Biglang dumating si Villalon kasama sina Roberto Mungcal at Onofre Mungcal saka pinagmumura umano ang biktima sa harap ng mga kasamahan nito kabilang na si Resoro.
Sa hindi nabatid na dahilan ay nagbunot ng baril si Villalon saka sunud-sunod na pinaputukan ang biktima bago tinamaan naman ng ligaw na bala si Resoro.
Subalit kahit na may tama na si Batungbakal ay nagawa pa nitong bunutin ang kanyang baril at pinaputukan din ang dating brgy. chairman bago tuluyang bumulagta ang biktimang nasawi. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended