Sugatang Aleman nailigtas, bangkay ng Kano narekober
February 1, 2002 | 12:00am
Narekober na kahapon ng mga tauhan ng Phil. Army ang isang nasugatang German national matapos paulanan ng bala ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang nagmo-mounting climbing sa bulubunduking bahagi ng Sapang Uwak sa Porac, Pampanga.
Gayunman, ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col. Jose Mabanta, patuloy pa ring hinahanap ang nawawalang isa pang American mountainer na umanoy nasawi sa nasabing pag-atake at kasama nitong umakyat sa kabundukan ng bayan ng Porac.
Sinabi ni Mabanta na bandang ala-1:30 ng hapon kahapon ay natagpuan ang duguang katawan ni Sigfried Whitman sa bulubunduking bahagi ng Sapang Uwak sa Porac, Pampanga.
Ayon kay Mabanta, isinakay na ng chopper si Whitman at dadalhin na ito sa isang pagamutan sa probinsiya.
Kasunod nito, natagpuan na rin ng awtoridad ang katawan ng pinaslang na American national ng mga rebeldeng NPA.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Phil. Army, ang bangkay ng biktimang si Brian Smith ay natagpuan ng rescue team dakong alas-5 ng hapon kahapon sa Sapang Uwak, Porac, Pampanga.
Kumpirmado na nasawi sa tama ng bala si Smith at inilipad na rin ang labi ng biktima sa pamamagitan ng isang chopper papunta sa Clark. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
3 hours ago
Recommended