Lantsa lumubog: 24 nawawala
January 31, 2002 | 12:00am
Umaabot sa dalawamput apat katao ang iniulat na nawawala makaraang lumubog ang sinasakyang bangkang-de-motor ng mga biktima sa karagatang sakop ng Panguturan Island, Sulu noong Linggo ng umaga.
Sa ulat ni Phil. Coast Guard (PCG) Information Officer Lt. Arman Balilo na ang bangkang-de-motor na may markang M/L Sugar Dianne-Z ay may sakay na 24 pasahero at 700 sako ng copra patungong Mapun Pier sa Cagayan de Tawi-Tawi at Zamboanga City.
Sa hindi nabatid na dahilan ay nasira ang makina ng naturang bangka sa kalagitnaan ng dagat na sakop ng Sulu at pinaniniwalaang lumubog dahil sa malalaking alon at lakas ng hangin.
Ayon sa rekord, ang mga nawawalang pasahero na ngayon ay nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Phil. Coast Guard ay nakilalang sina Maximiano Medalla, Reynaldo Diao, Anifa Jamil, Amina Jamil, Sharifa Hasiri, Sharifa Ikda Hasiri, Minda Abbah, Joelen Abbah, Indih Sahiral, Said Drilla, Marcelo Remocaldo, Maricar Rendon, Kiatchai Tan, Karuana Abtahi, Albie Nulkani, Julana Nulkani, Anang Amisani, Adelaida Busam, Kid Bussara, Rodel Cruzada, Cermani Artahi, Varsit Artahe, Lakida Artahe at Sabguta Artahe.
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang naisasalbang biktima mula sa lumubog na bangkang-de-motor. (Ulat nina Ellen Fernando at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest