6-anyos na nene, hinalay bago pinatay
January 30, 2002 | 12:00am
GENERAL TRIAS, Cavite Isang 6-anyos na nene ang iniulat na hinalay muna saka pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang 19-anyos na lalaki na pinaniniwalaang lango sa droga kamakalawa ng hapon sa Brgy. Manggahan ng bayang ito.
Ang bangkay ng biktima na itinapon at natagpuan ng mga residente sa madamong lugar sa State Land Subdivision ay nakilalang si Maria Elimira, grade 1 pupil at residente ng Malou St. ng nabanggit na lugar.
Samantala, ang suspek na ngayon ay masusing iniimbestigahan ay nakilalang si Gilberto Baylon, binata at naninirahan sa Brgy. Buenavista ng naturang lugar.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Victorino Javier, naganap ang brutal na krimen bandang alas-5 ng hapon matapos harangin ng adik na suspek ang biktima na papauwi mula sa pinapasukang eskuwelahan.
Si Baylon ay dinakip ng pulisya makaraang ipagbigay-alam ng mga residente nang mamataang may hawak na duguang itak mula sa kinatagpuan ng bangkay ng biktima may ilang minuto matapos isagawa ang krimen.
May palagay ang pulisya na nanlaban ang biktima kaya tinuluyan ng adik na suspek upang hindi na makapagsumbong sa mga kinauukulan. (Ulat ni Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended