Si Romeo Daclas, alyas Joey/Gerry na kasalukuyang residente ng Pulang Lupa, Las Piñas City ay dinakip dakong alas-7:35 ng gabi dahil sa ipinalabas na warrant of arrest ni Las Piñas RTC Judge Bonifacio Maceda ng Branch 275.
Sa isinumiteng ulat kay PRO4 Regional Director P/Chief Supt. Domingo Reyes, si Dacles na isa sa nagtatag ng "Kabataan Para sa Demokrasya at Nasyonalismo" (KADENA) noong 1989 ay responsable rin sa pagpatay kay Las Piñas Councilor Edgardo Jimenez noong 1993.
Ayon sa record ng PNP, si Dacles ay inaresto na noong Nobyembre 23, 1996 sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions ngunit nakapagpiyansa sa tulong ng napaslang na labor leader na si Felimon "Ka Popoy" Lagman.
Sinabi pa ni Reyes na si Dacles ay kasalukuyang Commanding Officer ng Special Operation Unit ng ABB na kumikilos sa Metro Manila at Rizal.
Inamin naman ni Dacles na siya kasama pa ang apat na kabaro ang pumaslang kay Abadilla noong 1996 sa Katipunan Road, Quezon City. (Ulat nina Ed Amoroso/Joy Cantos)