Itoy matapos na ipag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza ang mabilisang imbestigasyon para malutas ang pagkamatay ng biktimang si Arthur Meliton San Jose, 47; tubong Camarines Sur at residente ng Quezon City.
Ang direktiba ay ipinalabas ni Mendoza kay Police Director Nestorio Gualberto, Chief ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na makipag-ugnayan sa lokal na pulisya ng Albay Provincial Police Office (PPO) upang madetermina ang misteryo hinggil sa pagkamatay ni San Jose.
Si San Jose ay natagpuang patay sa loob ng inookupahan nitong room 413 ng Magayon Hotel sa Legazpi City, Albay dakong alas-2:30 ng hapon nitong nakaraang Miyerkules kung saan nagtamo ito ng mga tama ng bala sa katawan.
Hindi pa madetermina sa kasalukuyan ng Albay PPO kung may foul play na naganap ngunit narekober sa pinangyarihan ang dalawang empty shells ng hindi madeterminang kalibre ng baril at isang electric cord na nakatali sa kanang braso ng biktima. (Ulat ni Joy Cantos)