^

Probinsiya

Brgy.Captain kakasuhan sa pagbagsak ng tulay

-
TANAY, Rizal – Nakatakdang sampahan ng kasong administratibo ng alkalde ng bayang ito ang barangay chairman ng Brgy. Wawa dahil umano sa kapabayaan nito kaugnay ng trahedya ng pagbagsak ng isang hanging bridge na ikinasawi ng isang bata at pagkasugat ng may 60 residente kamakalawa.

Ayon kay Mayor Tomas Tanjuatco, ang pagsasampa ng kaso ay dahil sa hindi umano pakikipag-ugnayan ni Brgy. Chairman Democrito delos Santos sa gaganapin nilang boat race sa naturang ilog.

Naiwasan sana umano ang pagkamatay ng biktimang si Joan Crisostomo, 6-taong gulang, kung may sapat na mga pulis at tauhan ng munisipyo na nagbabantay sa naturang lugar na agad sana umanong nakaresponde sa mga bumagsak sa ilog.

Nabatid na nasawi ang batang si Crisostomo matapos na hindi agad na maiahon ang katawan nito nang madaganan ng malaking kahoy sa ilalim ng ilog.

Sinabi naman ni C/Insp. Ambrocio Cenidoza, hepe ng Tanay police na umusog umano ang pundasyong poste ng naturang makitid na tulay dahil sa pagsisiksikan ng mahigit sa 100 katao sanhi ng overloading nito.

Ang naturang mga residente ay aliw na aliw sa ginaganap na karera ng bangka na tatlong araw nang ginaganap bilang selebrasyon sa pista ng patron nilang si San Ildefonso na ang promotor ay si Chairman delos Santos.

Ipapatawag din ng lokal na pamahalaan ang contractor ng naturang tulay upang mabatid kung may pananagutan ito sa insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

AMBROCIO CENIDOZA

AYON

BRGY

CHAIRMAN DEMOCRITO

CRISOSTOMO

DANILO GARCIA

IPAPATAWAG

JOAN CRISOSTOMO

MAYOR TOMAS TANJUATCO

SAN ILDEFONSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with