5 mandurugas nalambat
January 25, 2002 | 12:00am
SOLANO, Nueva Vizcaya Limang kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng kilabot na akyat-bahay gang at responsable sa pagpatay sa isang newspaper dealer ang nadakip ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Eugene Paguirigan sa isinagawang sunud-sunod na raid sa kanilang safe houses kamakalawa.
Ang mga suspek na kaalyado rin ng bonnet gang ay nakilalang sina Diony Mangabat, pinakalider; Danny Manuel, 25, Mark Anthony Montoya, 20; Renato Gauuan, 19 at Robert Bugtong, 20.
Sinabi ni Paguirigan na ang mga suspek ay responsable sa pagnanakaw sa opisina ni Bayombong Bishop Ramon Villena sa bahay ng negosyanteng Tsinoy na sina Ben Ong at Norbert Ang, Bayombong Rural Bank, cellphone snatching at pagpatay kay Hermie Jallorina, isang newspaper dealer. (Charlie Lagasca)
Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang tatlong sibilyang pinagbabaril nang nag-amok na miyembro ng Cafgu Active Auxilliary (CAA) habang nagkukuwentuhan sa Brgy. Tambunan, Talayan, Maguindanao kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Ustadz Mando, 35; Bai Dah Maulana, 50 at Jahad Enit, 3-anyos na ngayon ay nilalapatan ng lunas sa Cotabato Regional Hospital.
Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ay nakilalang si Odin Unkan Midtimbang na tumakas matapos isagawa ang krimen na naganap dakong alas-2:30 ng hapon at pinalalagay ng pulisya na personal na alitan ang naging motibo ng krimen.(Joy Cantos)
LABO, Camarines Norte Isang estudyanteng lalaki ang iniulat na nasawi, samantala, siyam pang iba ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyang tricycle sa kasalubong na truck sa pakurbadang kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Guisican ng bayang ito kamakalawa.
Binawian ng buhay sa Camarines Norte Provincial Hospital si Ronnie Barrameda, 17, samantala, ang mga grabeng nasugatan ay nakilalang sina Christian Tugano, Liezl Talento, Darwin Villanueva; Jason Bacer, Jose Sapiter na pawang 15-anyos; Norman Quilas, 14; Sheryl Dalida, 15; Generoso Cacho, 15 at ang trike driver na si Randy Indionela, 23.
Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas-3:30 ng hapon makaraang lampasan ng trike ang nasiraang truck kaya hindi nito napansin ang kasalubong na fish dealer truck na nagresulta sa aksidente. (Francis Elevado)
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang police informer ng mga rebeldeng miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang nakaupo sa nakaparadang pampasaherong jeepney sa Brgy. Poblacion, Datu Piang, Maguindanao kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Suharto Pinadsiang na tinambangan dakong alas-8:25 ng hapon ng mga rebeldeng MILF dahil sa natunugang nagbibigay ng impormasyon sa pulisya at militar.
Mabilis naman tumakas ang mga suspek sa mga nagsitakbuhang tao sa ibat ibang direksyon upang maiwasang tamaan ng ligaw na bala ng baril. (Joy Cantos)
Ang mga suspek na kaalyado rin ng bonnet gang ay nakilalang sina Diony Mangabat, pinakalider; Danny Manuel, 25, Mark Anthony Montoya, 20; Renato Gauuan, 19 at Robert Bugtong, 20.
Sinabi ni Paguirigan na ang mga suspek ay responsable sa pagnanakaw sa opisina ni Bayombong Bishop Ramon Villena sa bahay ng negosyanteng Tsinoy na sina Ben Ong at Norbert Ang, Bayombong Rural Bank, cellphone snatching at pagpatay kay Hermie Jallorina, isang newspaper dealer. (Charlie Lagasca)
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Ustadz Mando, 35; Bai Dah Maulana, 50 at Jahad Enit, 3-anyos na ngayon ay nilalapatan ng lunas sa Cotabato Regional Hospital.
Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ay nakilalang si Odin Unkan Midtimbang na tumakas matapos isagawa ang krimen na naganap dakong alas-2:30 ng hapon at pinalalagay ng pulisya na personal na alitan ang naging motibo ng krimen.(Joy Cantos)
Binawian ng buhay sa Camarines Norte Provincial Hospital si Ronnie Barrameda, 17, samantala, ang mga grabeng nasugatan ay nakilalang sina Christian Tugano, Liezl Talento, Darwin Villanueva; Jason Bacer, Jose Sapiter na pawang 15-anyos; Norman Quilas, 14; Sheryl Dalida, 15; Generoso Cacho, 15 at ang trike driver na si Randy Indionela, 23.
Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas-3:30 ng hapon makaraang lampasan ng trike ang nasiraang truck kaya hindi nito napansin ang kasalubong na fish dealer truck na nagresulta sa aksidente. (Francis Elevado)
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Suharto Pinadsiang na tinambangan dakong alas-8:25 ng hapon ng mga rebeldeng MILF dahil sa natunugang nagbibigay ng impormasyon sa pulisya at militar.
Mabilis naman tumakas ang mga suspek sa mga nagsitakbuhang tao sa ibat ibang direksyon upang maiwasang tamaan ng ligaw na bala ng baril. (Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended