Tulay bumigay: 1 patay, 60 sugatan
January 25, 2002 | 12:00am
Nauwi sa trahedya ang pagdiriwang ng masayang kapistahan makaraang masawi ang isang 6-anyos na batang babae, samantala, 60 katao ang nasugatan matapos bumagsak ang isang hanging bridge na gawa sa kahoy kahapon ng umaga sa Tanay, Rizal.
Ang biktima ay nakilalang si Joan Crisostomo, ng Brgy. Wawa ng bayang ito matapos itong madaganan ng mga taong nagtatakbuhan.
Samantala, ang 60 residente na nasugatan ay isinugod naman sa Angono District Hospital at Tanay Community Center.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-10 kahapon ng umaga sa Brgy. Wawa ng bayang nabanggit.
Nabatid na araw ng kapistahan sa nabanggit na lugar kaya nagkaroon ng karera ng mga bangka sa ilog bilang bahagi ng kanilang masayang pagdiriwang.
Dahil sa dami ng taong nanonood at sobrang bigat, bumagsak ang nasabing tulay na gawa sa kahoy na may 50 metro ang haba at 20 talampakan ang taas na naging sanhi ng pagkasawi ng isang paslit at pagkasugat ng 60 katao. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 16 hours ago
By Cristina Timbang | 16 hours ago
By Tony Sandoval | 16 hours ago
Recommended