2 NPA rebs napatay sa bakbakan

JOSE PANGANIBAN, Camarines Norte – Dalawa sa sampung miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na nasawi, samantala, anim pang rebelde ang nasugatan makaraang makasagupa ang tropa ng 203rd Infantry Brigade ng Phil. Army sa magubat na Sitio Tigbi, Brgy. San Isidro ng bayang ito.

Kinilala ni Col. Jacinto Cordero, Jr. ang napaslang na sina Emmanuel Lota, Sr., 58, alyas Ka Simong ng Tagas, Magallanes, Sorsogon at isang alyas Ka Boyet, 31-anyos.

Kasalukuyang nagsasagawa ng foot patrol ang mga tropa ng militar na nakabase sa Brgy. Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte nang makasagupa ang mga rebelde at tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putukan bago nagsiatras ang mga NPA sa bulubundukin ng nabanggit na lugar. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments