Pastor kinatay ng kalaban sa relihiyon

Isang pastor mula sa simbahang Apostolika-Romana ang iniulat na pinagtataga hanggang sa mapatay saka itinapon sa mabahong creek ng isang armadong lalaki habang naglalakad sa kahabaan ng Sitio Kulapo, Marilog District, Davao City kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pastor Anastacio Maniego, 45, samantala, ang suspek na kaagad naman nadakip sa isinagawang follow-up operation ay nakilalang si Armando Rivera, 29 na kapwa residente ng naturang lugar.

Naganap ang krimen bandang alas-11:30 ng umaga makaraang harangin ng suspek ang biktima na nag-iisang naglalakad at pinalalagay na may kinalaman sa relihiyon ang pangyayari, ayon sa ulat ng pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments