8 Abu Sayyaf napatay sa encounter
January 24, 2002 | 12:00am
Walong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay, isang sundalo ang sugatan samantala, hindi pa mabatid ang bilang ng mga nasugatan sa panig ng mga kalaban matapos sumiklab muli ang mainitang bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at ng mga terorista kahapon sa Tuburan, Basilan.
Sa isang phone interview, inihayag ni AFP Southcom Chief Lt. Gen. Roy Cimatu na dalawa ang narekober na bangkay sa panig ng Sayyaf habang ang iba pa ay binitbit ng ilan nilang mga nagsitakas na kasamahan.
Napilitan na lamang ng mga Abu Sayyaf Group na abandonahin ang dalawa nilang napaslang na kasamahan sa takot na masukol ng tropa ng militar, samantalang nagpaiwan ang iba pa sa mga ito na nakikipagbakbakan sa mga sundalo.
Ayon kay Cimatu, pinaniniwalaan ding marami ang nasugatan sa panig ng mga kalaban habang patuloy hanggang kagabi ang palitan ng putok ng magkabilang panig.
Bandang alas-2:30 ng hapon nang magsimula ang bakbakan matapos na masabat ng magkakasanib na elemento ng 18th Infantry Battalion, Scout Rangers sa ilalim ng Joint Task Force Comet ang di pa mabatid na bilang ng mga teroristang Abu Sayyaf sa Brgy. Sinulatan, Tuburan.
Agad na nagkaroon ng pagpapalitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na nagresulta sa pagkasawi ng walong tumimbuwang na miyembro ng mga terorista.
Nabatid kay Cimatu na nagsagawa ng operasyon ang militar matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa namataang presensya ng mga terorista sa nasabing lugar.
Gayunman, hindi namataan ang pinaghahanap na tatlong bihag. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended