Pentagon muling nangidnap, engineer ang bagong biktima
January 23, 2002 | 12:00am
Hindi pa man nareresolba ng mga awtoridad ang pagdukot sa Italian priest ay muli na namang bumanat ang mga miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom group matapos na dukutin ang isang mayamang engineer sa Lanao del Sur kamakalawa ng hapon.
Sa isang phone interview, kinilala ni Army Major Johnny Macanas, Spokesman ng 4th Infantry Division (ID) ng Philippine Army, ang panibagong biktima ng kidnapping na si Engineer Jimmy Macusi, contractor ng Salam Bridge sa bayan ng Binidayan, Lanao del Sur.
Ayon kay Macanas, si Macusi ay dinukot ng siyam na armadong kalalakihan dakong alas-5 ng hapon nitong nakalipas na Lunes sa Brgy. Binisilan sa bayan ng Pagayawan.
Sinabi ni Macanas, na ang biktima ay siya ring tumatayong consultant ng Maby and Johnson company, isang kompanya ng construction.
Inaalam pa ng pulisya kung saan dinala ng mga kidnapper ang biktima habang wala pa rin napararating na ransom demand sa pamilya ng biktima.
Gayunman, sinisilip din ang posibilidad na maaaring sangkot sa krimen ang ilang trabahador ng biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended