2 NPAs dedo sa encounter
January 22, 2002 | 12:00am
Dalawang rebeldeng New Peoples Army (NPA) kabilang ang asawa ng isang commander ang nasawi habang isa pa ang sugatang nadakip matapos ang panibagong engkuwentro sa pagitan ng tropa ng militar at ng grupo ng mga rebelde sa Kapalong, Davao del Norte kahapon.
Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Philippine Army Chief, Lt. Gen. Jaime delos Santos, kinilala ang mga nasawing rebelde na sina Ka Ramie, asawa ni Commander Benjack at Johnny Ardines, alyas Ka Jamal.
Ang nasugatang rebelde na agad nadakip ay nakilala namang si Edwin Aligares.
Napag-alaman na kasalukuyang nagsasagawa ng pursuit operations ang mga elemento ng 72nd Infantry Battalion (IB) nang makasagupa ang grupo ni Ka Benjack.
Napilitan namang magsiatras ang grupo ng mga rebelde matapos na mapaslang ang kanilang dalawang kasamahan.
Ang grupo ni Commander Benjack ang itinuturong responsable sa pagdukot at pagpaslang kay Loreto Balono, purok leader ng Sitio Binumbingan, Kapalong noong Enero 19, 2002. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am