Top aide ng Indon terrorist nalambat
January 22, 2002 | 12:00am
Ilang araw matapos maaresto ang Indonesian terrorist na si Farthur Rohman al-Ghozi, nadakip naman sa isinagawang follow-up operations ang top aide nito sa Marawi City kahapon.
Kinilala ni Phil. Army Spokesman, Lt. Col. Jose Mabanta ang nadakip na suspek na si Mohammad Kiram, alyas Kersi.
Si Kersi, isang Filipino-Muslim ay nadakip ng magkakasanib na elemento ng Army Intelligence and Security Group of Marawi City PNP bandang alas-11 nang umaga kahapon.
Napag-alaman na hindi na nagawa pang makapalag ni Kiram nang palibutan ng mga awtoridad ang safehouse nito sa Marawi City.
Sa isinagawang inisyal na interogasyon, inamin ni Kiram na siya ang kontak ni al-Ghozi sa plano nilang paghahasik ng terorismo partikular na ang pambobomba sa Mindanao at Metro Manila.
Magugunita na si al-Ghozi, 30, miyembro ng Jemaah Islamiyah ay nadakip kamakailan sa hide-out nito sa Quiapo, Manila.
Si al-Ghozi ang itinuturong utak sa Rizal day bombing noong Disyembre 31, 2000 na ikinasawi nang may 20 katao habang mahigit pang 30 ang nasugatan.
Nasamsam rin sa safehouse ni al-Ghozi kasabay nang pagkakadakip sa tatlo pa nitong kasabwat na Filipino-Muslim ang 1 toneladang eksplosibo sa General Santos City. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended