Mag-asawa, 2 anak nalason sa pritong tokwa
January 21, 2002 | 12:00am
MALOLOS, Bulacan Dahil sa kinain na pritong tokwa na nabili sa pampublikong palengke ay nalason ang mag-asawa at dalawa nitong anak na batang babae kamakalawa ng hapon sa Fausta Village, Brgy. Mabolo ng naturang lugar.
Kasalukuyang ginagamot sa Bulacan Provincial Hospital ang mga biktimang nakilalang sina Nestor Santos, 41, trike driver; asawang si Vilma, 40 at dalawang anak na sina Ceala, 12 at Tria, 8 na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.
Lumalabas sa ulat ng pulisya, nagtungo ang buong pamilya sa nabanggit na ospital dakong alas-7 ng umaga upang magpasuri dahil sa pananakit ng tiyan kasabay ng pagsusuka at paglabas ng malamig na pawis sa katawan.
Ayon sa pamilya Santos , matapos kumain ng pritong tokwa ay nakaramdam na sila ng pananakit ng tiyan kaya minabuting magpasuri sa doktor ngunit ayon sa mga doktor na simpleng pananakit lamang sa tiyan ang nangyari sa kanila. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended