Municipal officer patay sa ambush
January 20, 2002 | 12:00am
STA. MARIA, Bulacan Isang opisyal ng Sta. Maria Municipal Hall ang iniulat na tinambangan at napatay ng apat na hindi kilalang armadong kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo habang lulan ng kanyang kotse at binabagtas ang kahabaan ng J.P. Rizal St. sa panulukan ng Calderon St. sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa ng tanghali.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Apolinario Rojas, 46, may asawa at residente ng Brgy. San Jose Patag ng naturang lugar.
Base sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Melchor Reyes, hepe ng pulisya, naganap ang pananambang sa biktima bandang alas-12:30 ng tanghali habang papauwi sakay ng kanyang kotseng Honda Civic (UKM-449) mula sa pinapasukang munisipyo.
Nabatid pa sa pagsisiyasat ng pulisya na minamatyagan na umano ang biktima sa pinapasukang munisipyo ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA).
Kasalukuyang inaalam pa ng follow-up team ng pulisya ang motibo ng krimen kung may kaugnayan sa trabaho ng biktima. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended