Negosyanteng Tsinoy kinidnap
January 18, 2002 | 12:00am
Muli na namang umatake ang mga miyembro ng isang big time kidnappers matapos dukutin ang isang mayamang negosyanteng Filipino-Chinese na naganap sa Tarlac City kamakalawa ng gabi.
Sa sketchy report na tinanggap kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief, P/Director Leandro Mendoza, kinilala ang biktima na si Ricardo Sy, isang garment owner at residente rin ng nasabing lungsod.
Base sa pangunang imbestigasyon, ang biktima ay kinidnap ng anim na armadong kalalakihan habang lulan ng kanyang Toyota Cadillac bandang alas-6:30 ng gabi nitong Miyerkules sa kahabaan ng national highway ng Tarlac City, Tarlac.
Napag-alaman na kasama ni Sy ang kanyang misis nang biglang harangin ng mga suspek na lulan naman ng isang Mitsubishi Adventure na may numerong 284.
Ayon sa ulat, bumaba sa kanilang sasakyan ang mga suspek at agad na tinutukan ng baril ang mag-asawa. Kasunod naman nito ay kinaladkad ang mag-asawa at puwersahang ipinasakay sa nakaantabay na Mitsubishi Adventure.
Mabilis na tumalilis ang mga kidnapper na tangay-tangay ang mag-asawa at nang sumapit na sa isang liblib na bahagi ng lungsod ay pinababa naman nila ang asawa ni Sy habang kasama na nilang tinangay ang lalaking negosyante patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Agad namang nagtungo sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang misis ng biktima upang ipagbigay-alam ang naganap na pagdukot sa kanyang mister.
Habang isinusulat naman ang balitang ito ay wala pa ring natatanggap na ransom demand ang pamilya ng biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest