Sa ipinalabas na Executive Order No. 59 na may petsang Disyembre 10, 2001, nakasaad na binibigyan ng kapangyarihan ng Filoil Development and Management Corporation (FDMC) na paghati-hatiin at ipamahagi ang lupain sa mga naninirahang mahihirap na pamilya na matatagpuan sa Rosario at Noveleta ng nabanggit na lalawigan.
Sinabi ni Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Chairman Mike Defensor na ang ginawa ng Pangulo ay may kaugnayan sa programa ng gobyerno na mabigyan ng bahay at lupa ang mga mahihirap sa murang halaga partikular na ang mga mamamayang naninirahan sa mga inabandonang lupain ng pamahalaan.
May 500 low-cost housing units ang nakatakdang gawin at sa kasalukuyan ay aabot na sa 143 pabahay ang sinimulan ng itayo sa isang ektaryang lupa na may sukat na 40 sq. meters na nagkakahalaga lamang ng P180,000. (Ulat ni Mading Sarmiento)