^

Probinsiya

3,500 pamilya makikinabang sa pabahay ni GMA

-
Pinangunahan kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang paglulunsad at awarding ceremony ng lupa sa may 3,500 pamilya na matagal ng naninirahan sa inabandonang lupain ng Fil-Oil Refinery sa Rosario, Cavite.

Sa ipinalabas na Executive Order No. 59 na may petsang Disyembre 10, 2001, nakasaad na binibigyan ng kapangyarihan ng Filoil Development and Management Corporation (FDMC) na paghati-hatiin at ipamahagi ang lupain sa mga naninirahang mahihirap na pamilya na matatagpuan sa Rosario at Noveleta ng nabanggit na lalawigan.

Sinabi ni Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Chairman Mike Defensor na ang ginawa ng Pangulo ay may kaugnayan sa programa ng gobyerno na mabigyan ng bahay at lupa ang mga mahihirap sa murang halaga partikular na ang mga mamamayang naninirahan sa mga inabandonang lupain ng pamahalaan.

May 500 low-cost housing units ang nakatakdang gawin at sa kasalukuyan ay aabot na sa 143 pabahay ang sinimulan ng itayo sa isang ektaryang lupa na may sukat na 40 sq. meters na nagkakahalaga lamang ng P180,000. (Ulat ni Mading Sarmiento)

vuukle comment

CAVITE

CHAIRMAN MIKE DEFENSOR

DISYEMBRE

EXECUTIVE ORDER NO

FIL-OIL REFINERY

FILOIL DEVELOPMENT AND MANAGEMENT CORPORATION

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

MADING SARMIENTO

NOVELETA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with