Montalban dumpsite bubuksan bukas
January 16, 2002 | 12:00am
Dapat paghandaan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mas matinding traffic sa Batasan Road patungo sa gusali ng House of Representatives dahil sa pagbubukas ng Montalban, Rodriguez dumpsite bukas.
Walang ibang dadaanan ang may 900 truck ng basura patungong dumpsite kundi sa Payatas-Batasan Road sa Quezon City.
Sinabi ni Quezon City Rep. Ismael "Chuck" Mathay III na dapat ay ipalabas kaagad ng MMDA kung ano ang kanilang plano sa inaasahang mas matinding traffic sa mga lansangang nabanggit.
Inihayag na ni MMDA Chair Benjamin Abalos, Sr. ang pagbubukas at full operation ng dumpsite sa munisipalidad ng Rodriguez, Rizal. Ang dumpsite ay nasa Sitio San Isidro, Brgy. Lukutang Maliit.
Karapatan umano ng mga residente ng Quezon City na malaman kung kailan dadaan ang truck ng basura sa kanilang lugar dahil direkta rin silang maaapektuhan ng anumang panganib na idudulot nito sa kanilang kalusugan. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended